Mukha ng 18-anyos student wasak sa boga

WASAK ang mukha ng 18-anyos na estudyante matapos barilin sa mukha ng hindi nakilalang lalaki nang harangin ang una habang minamaneho ang kanyang sasakyan sa Sta. Cruz, Maynila kagabi, Oktubre 2.

Isinugod pa sa Chinese General Hospital si Manuel Bon Orosco III, ng 330 3rd Avenue Sevilla St. Caloocan City subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang mukha.

Sa ulat ni SPO2 Virgo Villareal, dakong 9:00 kagabi nang maganap ang insidente sa  kahabaan ng Rizal Avenue panulukan ng R.Papa St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang  sasakyan nang harangin ng di nakilalang suspek na sakay ng di mabatid na uri ng motorsiklo.

Ikinagalit ito ng biktima kaya bumaba sa kanyang sasakyan at kinompronta ang suspek nang bigla na lamang siyang barilin sa mukha saka tumakas.

Iniimbestigahan pa kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply