Nadia Montenegro niresbakan nina Annabelle Rama at Ruffa

IISA ang lengguwawe ng mag-iinang Ruffa at Raymond Gutierrez at Annabelle Rama laban kay Nadia Montenegro. Ito ay ‘yung tungkol sa kasong child abuse na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa huli.

At siyempre, habang ang panay ang salita ng mag-iina laban kay Nadia, we have yet to listen to Nadia and her children’s side of the story. Sabi nga sa tweet ni Nadia, gusto raw niyang siya naman ang mabigyan ng pagkakataong magsalita. And for sure, that would be next week sa ABS-CBN naman.

Very harsh ang mga statement ni Ruffa para ipagtanggol ang ina. “Call her rude, ill-manered, but my mom is not a child abuser.

“Nadia, stop texting me, definitely I will not listen to you, I am siding with my mom, so please, magbayad ka na ng mga utang mo sa kanya at pati na yung sa akin,” sabi pa ni Ruffa.

On Annabelle Rama’s part, itinanggi nitong pinagsuot niya ng sexy dresses ang mga bata at hindi rin totoong gusto niyang i-prioritize ang career kesa studies ng dalawa. Lalong hindi niya ibinugaw ang mga bata.

“Disente ang mga anak ko at mga talents ko. ’di ako puwedeng magbugaw, suwerte ako sa buhay. Sasagutin ko ang demanda niya hanggang sa Supreme Court at ’di ko rin ire-release ang mga anak niya.

Nagpahayag ng suporta sa ina si Raymond Gutierrez sa Showbiz Central pa rin.

“Nabigla ako,” tinuran niya. “May galit at disappointment ako kay Nadia kasi in my mom’s 30 years in showbiz, wala siyang record ng child abuse.

Nadia asked her help to manage her three daughters and she accepted it. We treat my mom’s talents as family members. We saw our mom defend and support Nadia and her daughters, encoura- ging producers to get them and hire them, so it saddens me na umabot sa ganito, humantong sa mga bintang at pagsisinungaling. We support our mom 100% in this issue kasi nakita namin ang pag-aaruga niya sa mga anak ni Nadia.” Susog naman ni Annabelle.

“Dapat hindi ko na ito papatulan kasi mas sikat ako. Yung kalaban ko, nameless, wala siyang career. Pero dahil dinemanda niya ko, sasagutin ko siya. Siyang namilit sa ’kin na i-manage ang mga anak niya. Sabi ko nga, matataba pa, papayatin muna niya. Kakukulit niya, na-convince ako. Pati yung mga anak niyang 7 and 4 years old, gusto niya i-manage ko. Sabi ko, ayoko, masyadong mga bata pa. Napasok ko yung dalawa sa TV5, nage-enjoy sila. Pero hindi totoong her kids work 40 hours a week.

“Ang mga bata mismo, walang nakukuhang pera. Si Nadia, laging may problema sa pera ‘yan, akong takbuhan niya.

“Noong time na pinapalayas sila sa bahay nila sa Blue Ridge, nagpatulong siya sa ’kin na makapag-advance si Inah ng P1 million sa GMA para may pambayad sila sa rent doon sa bahay na lilipatan nila.

“Akong lumapit kay Annette (Gozon-Abrogar of GMA) kaya nabigyan sila. Sabi ko, ang mahal ng rent nila, P100,000 a month. Saan siya kukuha ng pambayad diyan? Ayaw ni- yang ibigay ang komisyon ko. Huhulugan na lang daw ng installment. Nagsangla siya sa ’kin ng hikaw. (Annabelle showed it on TV.) P150,000 ito, three years na di pa bayad hanggang ngayon.

“Nag-birthday ang asawa niya, umutang sa ’kin ng P30,000. Hanggang ngayon di pa rin bayad. She pulled out her kids sa TV5, mag-aaral daw.

Sabi ko kay Perci Intalan (TV5 boss), sige, let them go. Masakit ito dahil away ito tungkol sa pera. Pero hindi ko siya uurungan, haharapin ko siya. Sasagutin ko ang demanda niya, kahit umabot kami sa Supreme Court. Nadia, dapat ikaw ang dapat ipa- kulong dahil wala kang kuwentang nanay.

Bayaran mo ang mga utang mo sa ’kin, plus 3 percent interest.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply