Nadia nagsampa ng bagong kaso vs Annabelle Rama

NAGSAMPA ng isa pang kaso ang dating aktres na si Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama na dating talent manager ng kanyang dalawang anak.

Bukod sa naunang kasong isinampa, inireklamo rin ni Nadia sa Quezon City Regional Trial Court ng falsification of documents si Annabelle na tumatayong manager ng kanyang dalawang teenager na anak.

Pineke umano ni Annabelle ang mga dokumento kaugnay sa management contract ng mga anak ni Nadia, bagay na itinanggi naman ng talent manager.

Nauna nang inireklamo ni Nadia sa Quezon City Prosecutor’s Office ng child abuse at oral defamation si Annabelle.

Iginiit ng dating aktres na hindi siya pumayag na maging manager ng kanyang dalawang anak si Annabelle pero sinabi naman ng nanay ni Richard Gutierrez na mismong si Nadia ang lumapit sa kanya para tumayong talent manager ng kanyang mga anak.

“Bakit ko ipi-fake ko yung kontrata ng anak niya? Sikat ba ang mga anak niya? Marami akong proof sa opisina ko, yung mga voucher na pinirman niya na the same signature dun sa mga kontrata ng mga bata,” paliwanag ni Annabelle.

Nagdeklara noon si Annabelle na hindi niya aatrasan sa laban si Nadia kahit saan man makarating ang kanilang kaso.

Sinabi ni Nadia na ang kanyang mga reklamo laban kay Annabelle ay hindi para sa kanya kundi sa kanyang mga anak.

“Kahit kailan, kahit mag-rewind tayo ng ilang taon never never nagkaroon ng ganun sa dalawang anak. This is not about me this is about my kids,” ayon pa sa dating teen star. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply