Nagbayad ng ransom money: 14-anyos na dinukot ligtas na

LIGTAS na ang14-anyos na dinukot kahapon makaraang magbayad ng ransom money ang ina nito habang nakatakas naman ang kidnaper sa entrapment operation ng mga kagawad ng Butuan City Police Station 3 na nakabase sa Brgy. Libertad.

Nabatid na nakatakas ang suspek dala pa ang demand nitong ransom money na aabot sa P100,000 mula sa ina ng biktima.

Nauna nang napaulat na kahapon ng alas-2:00 ng madaling araw ay sapilitang pinasok ng armadong lalaking naka-bonnet ang bahay ng pamilya Asis sa Phase 1, Block 34, Lot 24 sa Emily Homes, Brgy. Libertad sa lungsod.

Tinutukan ng dala nitong armas ang ina at anak at humingi ng P20,000.

Nang ‘di maibigay ng ina ang kahilingan ng suspek ay saka nito tinangay sa pagtakas ang dalagita patungong Chinese cemetery sa Brgy. Bancasi ngunit ilang oras lamang ang nakalilipas ay humingi ang suspek ng P100,000 ansom money ang suspek kapalit ng kalayaan ng binihag na dalagita.

Dahil dito, dumulog na ang ina sa pulisya at doon pinlano ang entrapment operation.

Pagsapit ng hapon ay inilunsad ang rescue operations pero nakatakas sa pulisya ang suspek bitbit ang pera ngunit iniwan naman ang biktima na nasa maayos na kondisyon ngayon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply