Nagkabarilan dahil sa away sa lupa, 2 utas

DALAWA ang patay habang isa ang sugatan nang magkabarilan dahil sa hatian ng lupa, sa Matalam, North Cotabato, kahapon (Oktubre 13).

Kinilala ang mga namatay na sina Ephraim Parreno, 36, at Junnifer Lumaga, 32, kapwa residente ng Barangay Sarayan sa naturang bayan.

Sugatan naman ang kapatid ni Ephraim na si Welchie na kasama nitong sumugod sa bahay ng iba pa nilang kapatid na sina Norman at Mario.

Kinompronta nina Ephraim at Welchie ang dalawa pa nilang kapatid ukol sa hatian ng lupang iniwan sa kanila ng kanilang mga magulang hanggang sa mauwi sa barilan ang pagtatalo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply