Nagkakaalipunga na pati mayor dahil sa baha

SINUSUBAYBAYAN natin ang mga baha na nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mga bagyo at baha.

At alam ba ninyo, Suki, ang mga umaabot sa atin na mga balita?

Nakaaawa ang mga lokal na opisyal mula sa mga kapitan hanggang sa mga mayor.

Una, nauubusan na ng personal na salapi at ari-arian ang mga lokal na opisyal na hindi makatiis sa sinasapit ng kanilang mga nasasakupan.

Ikalawa, nagkakasakit na rin ang mga ito, lalo na ang mga personal na lumulusong sa mga baha upang mailigtas lang sa kapahamakan at gutom ang kanilang mga kababayan at kabarangay.

oOo

Kabilang sa mga labis nang nasasaktan ang mga nasa Pampanga at Bulacan.

Op kors nagaganap din ito sa iba pang lugar gaya ng Isabela, Quirino at Aurora, Pangasinan, La Union at ilang bayan sa Cagayan.

Sa pagdating ng bagyong Ramon na tatama sa Mindanao, maaaring maulit ang pagkakaroon ng masasakit na kalagayan ang mga lokal na opisyal gaya ng nararanasan ng mga taga-Cotabato City at iba pang matatamaan ng mga baha makaraan ang bagyo.

Yan ay kung babagsakan ng malakas na ulan galing kay Ramon ang Mindanao.

oOo

Kaya naman, hindi nakapagtataka na sumisigaw na ng panghihingi ng tulong ang mga lokal na opisyal.

Por eksampol, itong si Calumpit, Bulacan Mayor Jessie de Jesus.

Talaga namang nasira na ang kalakhan ng kabuhayan ng kanyang bayan at siya mismo ay nagkaalipunga na sa pagsagip-sagip at pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Kung mayroon tayo, isantabi natin ang pulitika at magbigay tayo ng tulong sa abot ng ating makakaya sa kahit sinong tinatamaan ng kalamidad.

Kumilos na po tayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply