Nagugutom napakarami na

UMAABOT sa 4.3 milyon na pamilya o 21.5M lahi ni Juan ang nakararanas ng gutom sa ngayon.

Higit na mataas ang bilang ng mga ito kumpara sa nakaraang mga buwan, ayon sa sarbey ng Social Weather Station.

Sa Luzon nakikita ang mga nakararanas ng kagutuman at kaiba ito sa nagaganap sa Kabisayaan at Mindanao.

Ayon sa sarbey, may pagliit ng bilang ng mga nagugutom sa Kabisayaan at Mindanao ngunit bahagya lamang.

Grabe naman ang pagtaas ng bilang ng mga nagugutom sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila.

Ginawa ang sarbey nitong nakaraang buwan ng Setyembre at napag-alaman na ang nasabing 4.3 milyong pamilya ay nakaranas ng hindi pagkakaroon ng pagkain sa nakalipas na tatlong buwan.

oOo

Reaksyon ni Inday Dinky Soliman sa Social Welfare, yung mga dinaanan ng mga bagyo, gaya ni Juaning, ang nakaranas ng gutom sa Luzon.

Sa Metro Manila naman, ang mataas na presyo ng mga bilihin na nauugat sa mahal na petrolyo ang nagiging dahilan ng kagutuman.

Kaya naman paspasan umano ang programa nina Inday Dinky para sa cash for work program.

At panay ang pagpapakain nito lalo na sa mga lugar na talagang may maraming nagugutom.

Meron pa umanong rice subsidy.

oOo

May katotohanan ang sinasabi ni Inday Dinky na dahilan ng kagutuman.

Pero ewan natin kung nahihibang ito o hindi, lalo na sa mga remedyo nito sa problema.

Sa kagutumang nauugat sa mahal na langis dahil sa P15 na EVAT sa bawat litro, por eksampol, yan bang pagpapakain ng nudels o lugaw ang sagot?

Sagot din ba sa problema ang P3,000 sahod ng mga kinder titser na kasama ng mga nagugutom?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply