Nagyayaman-yamanan lang pala ang television produ

ISANG araw, gugulatin daw ang showbiz ng isang beauty queen actress-turned actress sa pagsisiwalat sa malaking pagkakautang sa kanya ng isang aniya ay nagpapanggap na mayamang TV producer. You see, according to the actresss’ friend, kumuha raw ang producer ng malaking pera sa kaibigan niyang beauty queen na ginamit sa kanyang lending business at mga real estate investments pero talagang di na siya nakabayad.

“Sabi ng friend ko, balasubas daw talaga’ng babaing ito, nagsisisi raw siya at naging kaibigan pa niya ito.”

So yun, sort of best friends daw sila, pero heto nga’ng isang dakilang friendship na sinira ng pagkakautang.

Clue?

Well, matagal nang nagkukunwaring mayaman ang babae in question kaya marami siyang napaniniwala. Pero maniwala kayo na talagang hahalukayin daw ng beauty queen ang likaw ng bituka niya.

“Puwee!, lakas ng loob na idemanda ang isang actor na ganyan at ganito, hindi naman pala totoo ang bintang niya,” huling salita pa ng source na nakausap namin.

****

‘Budoy’ posibleng ma-in-love kay Jessy Mendiola!

NATAWA na lang si Gerald Anderson nang tanungin siya kung posible siyang ma-in-love sa kapareha niya sa “Budoy” na si Jessy Mendiola.

“Tingnan natin ’di ba? Hindi natin masasabi sa ngayon. Alangan namang sabihin kong, ‘Oo, gusto ko’, iba ’yun. Pero single naman ako, open naman ako sa lahat,” pahayag ni Gerald.

Actually, hindi raw ito ang first time na nakasama niya si Jessy. Magkasama sila sa ASAP show at nakatrabaho pa niya sa “Kung Tayo’y
Magkakalayo” although hindi sila ang magkapareha roon. At noon pa raw talaga ay gandang-ganda na siya sa young actress.

“Nagagandahan talaga ako kay Jessy kaya na-excite ako noong una kong malaman na siya ang makaka-partner ko,” sey ni Budoy.

Dahil nagsisimula pa lang ang serye, ngayon pa lang daw sila nagkakakilanlan nang husto ni Jessy.

“Pareho kaming tahimik, pero kapag nakilala mo na, makulit din,” pagde-describe niya sa leading lady.

Dagdag pa ng young actor, “konti pa lang ’yung nakukunan naming magkasama, pero ’yung mga malalalim na eksena mas tinutulungan niya ako.

Kasi ako ’yung medyo mas complicated ’yung role. Siyempre tinitiis niya kapag minsan may kailangang ulitin na eksena. Thankful ako na binigyan ako ng ABS-CBN ng napaka-professional at napakagandang leading lady.”

Samantala, si Jessy naman ay nagpahayag na sobrang bait daw ng kanyang leading man at isang malaking karangalan daw sa kanya na makapareha si Gerald sa isang serye.

****

‘Notes’ ng sexy actor gustong ‘maum-um’ ng mga bading

KULANG na lang ipakita na sa publiko ang naghuhumindig na kargada ni Paulo Avelino dahil ang notes ng aktor ang subject ng slant ng kasalukuyang movie na ‘to.

Horror movie naman ang pelikula kung bakit yung desirability sa mga matrona’t bading ni Paulo ang topic nila ayan tuloy, lumalabas na sa ganyan eksperto ang aktor eversince. Kailan kaya siya makawawala sa image na laging tagabigay na lang ng aliw sa mga masisiba sa sex na mga bading?

Hoy, mahusay na aktor si Paulo at dun sana’ng concentration n’yo sa pagbenta sa kanya.

Ang nota niya ang pinagtitripan ng publicity slant ng movie ng Regal Films.

Sagsag nga kasi ang “kagatan” promo ng Regal Films para sa pelikula na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Paulo Avelino at Joem Bascon na ipalalabas na.

Marami ang interesadong magpakagat kay Lovi and obviously, puro mga kalalakihan ’yon. Gusto namang kagatin ng mga bading at kababaihan si Paulo sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

May interesadong kagatin siya sa labi, sa dibdib, sa abs, sa pusod at do’n sa kanyang “kargada.” Ha-ha-ha!

“Teka, “big” kaya si Paulo? Totoo kaya ang bali-balitang “dako” ang alaga ni Leo Dominguez?” tanong tuloy ng ilang press na bading na halatang nagde-desire din kay Paulo.

Pero in fairness ha? Maganda ang katawan ng aktor ngayon. Hindi niya lang inamin kung palagi siyang naka-topless sa kanilang movie.

“Basta panoorin na lang nila ang movie namin,” nakangiti niyang pahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply