Nahuhuling motorcycle riders dadami pa

INAASAHANG madaragdagan pa ang mga nahuling nagmo-motorsiklo na hindi sumusunod sa mga bagong patakaran sa Commonwealth Ave. at Diosdado Macapagal Blvd.

Kahapon (oktubre 17), unang araw ay umabot sa mahigit 1,000 ang nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lumabag sa dry-run sa paggamit ng motorcycle lane sa nasabing dalawang kalsada.

Kabuuang 1, 154 na nakamotor ang nasampolan subalit hindi naman pinagmulta ang mga ito sa halip ay isinailalim sila sa seminar tungkol sa ligtas na pagmamaneho ng motor.

Ayon sa mga nahuling nakamotor hindi nila alam ang hinggil sa motorcycle lane kaya naman hindi sila nakasunod.

Kampante naman si MMDA Chairman Francis Tolentino na magiging epektibo ang pagpapatupad sa motorcycle lane upang mabawasan ang mga aksidente kung saan nasasangkot ang mga motorsiklo.

Sa Lunes, Oktubre 24, ay sisimulan ang aktuwal na pagpapatupad ng motorcycle lane.

Pininturahan na ng MMDA ang palatandaan ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue , Quezon City.

Kulay asul ang palatandaan sa motorcycle lane na magsisilbing gabay ng mga rider.

Ngunit reklamo ng mga nakamotor, mas delikado para sa kanila ang motorcycle lane lalu’t masyadong malapit ang daanan nila sa lane ng mga pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue.

Anila, tila mas madaling suyurin sila ng mga naglalakihang bus dahil sa pwesto ng motorcycle lane.

Inihirit ng mga motorcycle rider na mas mabuting ang innermost lane na lamang sa Commonwealth Avenue ang ilaang linya para sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply