NAIA ibebenta para sa pagpapatayo ng airport sa Clark

INANUNSYO kaninang umaga ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang planong pagbebenta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nasa boundary ng Pasay at Paranaque cities.

Sinabi ni Transportation Secretary Mar Roxas sa isang forum, na ang perang malilikom ng gobyerno sa pagbenta sa country’s prime airport ay gagastusin sa binabalak na itayong Clark International Airport na siyang kasagutan sa pangangailangan ng long term airport ng bansa country.

“All of these [NAIA sale] are just plans, and indicative, and will not happen overnight, or within one to three years,” pahayag ni Roxas.

Inalmahan din ni Roxas ang negative observations at ang pinakahuling survey ng isang website na nagpapakita na ang 30-anyos na NAIA ay isa sa mga napiling worst airport sa buong mundo.

“The customer is always right, this will serve as a challenge to do what we have to do faster and better,” saad pa ni Roxas.

Sa pag-aaral na ikinasa ng DOTC, lumabas na ang NAIA ay umabot na sa kanyang saturation point ngunit marami pa ang puwedeng gawin para palakihin at pagandahin ito.

Ang kapasidad ng apat na terminal ng NAIA terminals ay aabot sa 32,000,000 pasahero bawat taon at inaasahan itong umabot sa 30,000,000 pasahero ngayong taon.

Inaasahan naman ng gobyerno na kumita ng $2.5 bilyon sa ikakasang NAIA’s privatization at ang pondo ay isasama sa pagpapatayo ng bagong international gateway sa Clark.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply