NAIA ililipat sa Clark, Pampanga

PLANO ng pamahalaan na ilipat ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Clark, Pampanga sa malapit na hinaharap.

Ayon kay DOTC Sec. Mar Roxas, malaki ang kikitain ng pamahalaan kapag isinapribado ang 440 ektaryang lupa na kinatitirikan ng kasalukuyang paliparan, at aabot sa $2.5 bilyon ang kikitain sakaling tayuan ito ng mga pribadong kumpanya.

Kapag nangyari iyon, ayon kay Roxas, matutuloy ang paglilipat ng NAIA sa CLark, kasabay ang pagpupursige na matapos din ang North Rail Project, dahil ito ang magpapagaa ng biyahe sa mga pasahero na araw-araw manggagaling ng Metro Manila.

Kinukumbinsi na rin ng pamahalaan ang China na ayusin ang kontrata ng North Rail Project na una nang nadiskaril noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dahil puno ng butas ang kontrata noon na dehado ang pamahalaan.

Ang isa sa dapat ayusin sa kontrata ayon kay Roxas ay ang Pilipinas ang dapat magtakda ng terms of reference laban sa kasalukuyang sitwasyon, at ang Pilipinas din ang pipili ng contractor na may sapat na karanasan sa construction ng railways.

Sa oras na maging ganap na tagumpay ang North Rail ay malaki umano ang posibilidad na mapabilis ang paglilipt ng NAIA sa Clark na malaki rin ang benepisyo sa Gitnang Luzon.

Sinabi rin ni Sec. Roxas na ang planong ito ang isa sa ipinatatrabaho ni Pangulong Aquino sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply