NAIA T-3 pangangasiwaan na ng gobyerno

PANGANGASIWAAN na ng gobyerno ang Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) batay sa naging pasya ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) na nag-aatas sa terminal builder na Philippine International Airport Terminals Company (PIATCO) na ilipat sa gobyerno ang pangangasiwa sa terminal sakaling nabayaran na ang kabuuang $175 milyon o P7.63 bilyon na just compensation nito.

Ayon Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, ang desisyon ni Pasay City RTC Judge Eugenio de la Cruz ay magbibigay-daan para maging full operational na ang Terminal 3 kapag napasakamay na ng gobyerno.

Nauna nang nagbigay ng inisyal na bayad ang gobyerno noong 2006 ng $3 bilyon at bahagi sa desisyon ng korte na ibabawas iyon sa kabuuang $7.63 bilyong babayaran sa PIATCO.

Idedeposito naman ang balanseng higit $4 bilyon sa Land bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) at kapag nakuha na ng PIATCO ang nasabing halaga ay magbibigay na sila ng deed of transfer sa gobyerno.

Umaasa naman ang DOTC na magbibigay daan ang pagkakalipat ng operasyon ng NAIA 3 sa gobyerno sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply