NAIA tuloy ang pagbili ng full body scanners

TULOY ang plano ng Ninoy Aquino Internation Airpot (NAIA) na bumili ng mga full body scanner na gagamitin sa mga international at domestic airports sa Metro Manila.

Sinabi ni NAIA General Manager Jose Angelo Honrado, dadaan sa bidding ang pagbili ng naturang mga x-ray machines upang matiyak na kwalipikado ang pagbibilhan at kung magkano ang gagastusin dito ng gobyerno.

Ayon kay Honrado, inaasahang bago matapos ang taong ito ay matatapos ang bidding sa pagbili ng naturang kagamitan at sa unang quarter aniya ng susunod na taon ay inaasahang magagamit na ito sa mga paliparan.

Ang full body scanner ay upang ma-upgrade ang karaniwang pagsusuri na ginagawa na mga paliparan at para mas matiyak ang seguridad sa pagdating at pag-aalis ng mga pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply