Naiipit sa labanan ng militar at rebelde bayaran

NARARAPAT bigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga sibilyang naiipit sa labanan ng mga rebelde at tropa ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Camarines Sur Lawmaker Diosdado “Dato” Macapagal Arroyo na sa gitna ng dekada ng armadong alitan sa ilang mga lugar sa bansa, ang mga inosenteng residente ang lubos na nagdurusa.

Kasunod nito ang paghahain ni Arroyo, katuwang ang ina niyang si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ng House Bill 5225 o ang “Civilian Compensation Act of 2011.”

Sa ilalim ng panukala, ipinabubuo ang Civilian Compensation Fund na pangangasiwaan ng Commission on Human Rights na magtatakda ng mga panuntunan upang epektibong maipatupad ang nasabing pamamahagi ng kompensasyon.

Kinakailangan din aniya ang paglalaan ng P5 milyong regular na pondo para rito.

Nakapaloob sa panukala na ang sino mang sibilyan, hindi sundalo o rebelde ay mabibigyan ng P30,000 sakaling masawi sa gitna ng pagkaipit sa giyera o pagsagot sa mga gastusin sa ospital at nawalang sweldo kung nasugatan.

Bukod diyan, sakaling maobliga ng militar ang mga sibilyan na umalis sa kanilang mga bahay ay pagkakalooban sila ng emergency housing, pagkain at medical service.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply