Naka-move on na sina John Lloyd at Ruffa G.

VERY casual at smart ang  muling pagtatagpo ng mag-ex na sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez sa isang party tendered by Vina Morales kamakailan lamang. Nag-batian sina Lloydie (palayaw kay John Lloyd) at Ruffa sa nasabing okasyon. Walang isnaban, walang iwasan sa dalawa. To think na kasama ni Lloydie ang present GF na si Shaina Magdayao.

Ibig sabihin, naka-move-on na pareho sila sa anumang tampuhang naganap sa kanila noon.

—@@@—

INIHAYAG sa storycon ng “The Healing,” ang kumpletong casts na pinagbibidahan ng Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Of course, may mahalagang role si Kim Chiu pero ang kapansin-pansin na bukod sa pagkakasama ni Kim, kapuna-puna rin na kasama si Martin del Rosario sa movie directed by Chito Rono. Take note, ang role ni Martin ay bilang anak lang naman ng ating mahal na gobernadura. Isa itong breakthrough for Martin since andami nitong kapanabayan na naghahangad ng big break, pero nasa kaniya ang suwerte. Katatapos lamang niyang mapansin sa “Minsan Lang Kita Iibigin” sa ABS-CBN primetime at heto na naman siya sa isang higanteng movie with no other than the Star for All Seasons, Ate Vi.

Kasama rin sa ginanap na storycon sa Star Cinema office ang ilan pang bumubuo ng grupo ng The Healing, gaya nina Pokwang, Ces Quesada, Mark Gil, Cris Villanueva at Janice de Belen.

Sa isang ancestral house sa A. Bonifacio, Mandaluyong ang napiling pagdausan ng kanilang first shooting daw. Mga highlights ni Ate Vi at Martin lang muna ang kukunan bago mag-resume ng siyuting sa second week ng November pagkatapos ng bakasyong nakaplano for Gov. Vi kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay like Ryan Christian and Ralph Recto.

Sem break ni Ryan at recess naman ni Senador Ralph sa Kongreso kaya’t libre silang makakapamasyal like ordinary people sa ilang bansa sa Asia gaya ng Malaysia at Bangkok. Gaya nang unang nasabi ni Ate Vi, hindi makakasama sa kanilang Asian trip si Luis Manzano dahil malapit nang simulan ang teyping ng serye nitong Alta.

—@@@—

KATUMBAS daw ng budget sa dalawang malalaking film projects ang inilaang budget sa Panday 2, ani Bong Revilla no’ng makatsikahan namin sa siyuting ng said movie sa Pansol, Laguna. Kaya’t malaking pressure sa actor-producer na ma-surpass ang kinita ng kaniyang unang Panday na ipinalabas noong 2009. Last 2010, Agimat at Enteng ang sinalihan nitong entry sa MMFF 2010, at sey ng magiting na senador, “Last year, I had Agimat at si Enteng, kaya ‘yun ang pinaka-break namin para at least we have more time to prepare  for the Panday part 2.. Kaya ito, yong pinaghandaan namin ng dalawang taon,” sey niya sa kanilang MMFF entry ngayong December.

Sinisiguro ni Bong na hindi ito mapapahiya sa mga suki ng Panday. Sa locations pa lang na dinayo pa ang Tanay, Antipolo, Ilocos at Palawan, tiyak na mabubusog na ang viewers sa mga lugar na ginamit na backdrop ng sagupaan nina Panday at ang mga masasamang elementong kasama sa istrorya.

Confident din ang poging senador na kahit papaano’y magiging “threat” ito sa kasalukuyang record holder sa takilyang “No Other Woman,” as far as gross receipts ng isang movie is concerned.

“Why not?” sa tanong namin kung makakaya nitong tapatan ang kinita ng No Other Woman?

“Sa haba ng preparasyon, and as I’ve said, mas maganda pa ito sa part l ng Panday, antayin na lang natin ang resulta ng pelikula,” pagmamalaki pa ni Bong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply