Nakaimbak na kargamento sa BOC iniimbentaryo

NAGSASAGAWA ngayon ng imbentaryo ang Bureau of Customs (BOC) sa mga nasabat na misdeclared na kargamento na nakaimbak lamang sa kanilang mga bodega.

Ang nasabing pagkilos ay kasunod ng kautusan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kay Customs Deputy Commissioner Danilo Lim na magsagawa ng komprehensibong pag-iimbentaryo matapos na matuklasang nasayang at inamag lamang ang may libu-libong luncheon meat sa kanilang warehouse.

Layunin ng imbentaryo na matukoy ang mga kargamentong maaari pang mapakinabangan na ipamamahagi sa mga nangangailangan tulad ng mga biktima ng bagyo.

Ang mga wala nang pakinabang ay ididispatsa na ng ahensya.

Ayon kay Lim, nagkaroon umano ng kapabayaan ang nakaraang administrasyon kung saan marami sa mga nasabat na kargamento noon ang nakatengga ngayon sa mga bodega ng BOC.

Kabilang sa mga “hot goods” na nakatambak sa bodega ng BOC at nabubulok na ay ang mga de-lata, harina, mga damit, electric tires, hot cars, mga segunda manaong gulong, sigarilyo at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply