Nakakulong na sanggol sa Bicutan at RPIOU na naman

INUTIL ang pamunuan ni Bureau of Immigration Comm. Ricardo David sa panawagan ng ULTIMATUM sa sanggol na ikinulong ng kanyang mga tauhan sa Bicutan Detention Center.

Hanggang sa kasalukuyan ay mahigit isang buwan nang nakakulong ang mga Indian national na kasama ang kanilang 1 taong gulang na bata na malinaw na labag sa batas.

MAGDALO NI DAVID

Mga tropa raw na Magdalo na bitbit ni David sa Immigration ang kumalawit sa mga dayuhan na nagmula pa sa Davao.

Ang naghaharing uri raw kasi ngayon sa BI Intelligence ay ang mga Magdalo ni Comm. David na karamihan ay hindi alam kung ano ang kanilang mga ginagawa.

O pati ang Mission Order na dala ng mga ito nang magsagawa ng operasyon sa Davao ay “generalized” ang nakalagay at lahat ng Indian ay pinahuhuli ni David.

Anak ng pitong putakte!

Hindi ba’t kailangang nakalagay kung sino ang mismong subject na huhulihin?

Aba’y…shortcut ang ginawa ng mga tamad!

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

Isang liham ang nakarating sa ULTIMATUM ukol sa isyung ito kung saan inirereklamo ang pagkulong sa kawawang sanggol.

Nakasaad din sa liham na copy furnished ang Commission on Human Rights ni CHR Comm. Etta Rosales.

Pero isa rin atang inutil ang tanggapan ni Comm. Rosales dahil nang tawagan ng ULTIMATUM ay makalipas pa raw ang isang linggo bago nila ito aaksiyunan.

Hayop!!! Kung makakaliwa kaya ang nakulong ng ganyan siuguro nauuna pa kayo sa ULTIMATUM  sa Bicutan para ilabas yan.

RPIOU NANGHOLDAP NA NAMAN

Nangholdap na naman noong isang araw ang NCRPO ni Gen. Allan Purisima.

Isang SPA na naman sa Maynila ang sinalakay ng mga tauhan  ng NCRPO-RPIOU para nakawin ang laman ng kaha ng kahera.

Matapos kaladkarin papuntang Bicutan ang mga masahistang babae ay pilit na hiningan ng P100,000 ang may-ari ng SPA para lang ma-release ang kanyang mga tauhan.

Tamang-tama ang tawag sa inyo PNP === Police Nakawan of the Philippines.

INSP. QUEJADA ANG PROMOTOR

Isang Insp. Quejada raw na nagmula sa Region 3 na bitbit ni Purisima ang tumatayong promotor sa mga operasyong iligal ng RPIOU.

Ito rin ang itinuturong nag-lead sa ginawang operasyon sa isang poker room sa Malabon kung saan nilimas ng mga tarantadong pulis ang bulsa ng mga nahuling nagkukuwentuhan sa loob.

Sa madaling salita, negative ang operation pero hinuli pa rin ang lahat ng nasa loob kahit na wala namang ginagawang iligal.

ALAM BA NI GEN. PURISIMA?

Alam ba ni Gen. Purisima ang ginagawang ito ng mga tauhan n’ya?

Malamang ito na ang maging dahilan para tuluyang masira ang tiwala sa kanya ni Pang. Noynoy.

Ngayon, kung hindi mo naman alam ito, General, ay baka naman puwede mo itong paimbestigahan nang maparusahan naman ang iyong mga abusadong tauhan.

Gen. Purisima, totoo ho bang kayo na ang susunod na PNP chief?

AKSYON NI GABIONZA

Kamakailan ay binabakbakan natin si Immigration Intelligence Deputy Chief Jerome Gabionza ukol sa nagkalat na illegal tourist guides na dayuhan d’yan sa Boracay.

Isang tawag ang natanggap natin na inaaksiyunan na n’ya ito at sinabing hindi kukunsintihin ng kanilang tanggapan ang iligal na gawaing ito na nakaaapekto sa kabuhayan  ng ating mga kababayan.

Sa dami ng ating binanggit na pangalan ng mga dayuhan ay 3 o 4 na lang ang natitira rito at kasalukuyang hinahanap na raw nila ito.

GOOOOOD! Yan ang sagot ng ULTIMATUM sa kanilang aksyon.

Hoooops! Pero aabangan pa rin namin kung ano ang mangyayari r’yan sa 3 o 4 na natitirang dayuhan na dahilan kaya nagugutom ang ating mga kababayang tourist guide d’yan sa Boracay.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

PABOR KAY PNOY

Huwag naman masyadong umasa sa national government. May kanya-kanyang calamity fund ang mga lokal na opisyal para magamit.

Madaling magsalita kasi wala kayo sa puwesto ni PNoy, madaling sabihin na itaas ang suweldo ng mga manggagawa pero in reality napakahirap para sa Pangulo. +63917543

LAGING ABSENT SI PACQUIAO

Good pm po. Tanong ko lang po sa gobyerno natin. Bakit po kaya puro imbestigasyon na lamang sila? Wala naman silang napakukulong na magnanakaw sa gobyerno. Dapat po binabawi ang mga kayamanan nila at idagdag sa pondo ng gobyerno dahil puro nakaw naman nila yun tulad po nina Garcia, Ligot, Ampatuan, Gloria at marami pang iba. At puna ko rin po. Bakit hinahayaan ng gobyerno natin ang mga absent nang absent sa trabaho? Dapat po aksyunan yan.  Isa na riyan si Pacquiao. Tanga ba talaga ang gobyerno natin? Marami na po tayong problema lalo na ngayong puro bagyo. Kaya sana magtrabaho naman sila. Dapat po tinatanggal na yang mga wala namang naitutulong sa mga naghihikahos na taumbayan.

Tulad na lang po ni Pacquiao. Ano ang  naitutulong niya sa mga biktima ng kahirapan? Bayani po ba yan na maituring eh ni hindi nakapagdo-donasyon ng relief goods? Pakibanat po, sir Benny. Idol ka po namin dito sa Rizal. +63909868

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply