Nakalalasong kemikal sa mga produktong pang-Halloween

NAGBABALA ang EcoWaste Coalition sa mamimili  na mag-ingat sa mga produktong nagkalat ngayon sa mga pamilihan para sa pagdiriwang ng Halloween dahil nagtataglay ito ng mga nakalalasong kemikal.

Sa isang press briefing sa Quezon City, ibinunyag ng environmental health group (EcoWaste) ang resulta ng kanilang isinagawang  pag-iimbestiga sa toxic materials na taglay ng seasonal accessories, face and body paints, maskara, pumpkin buckets, vampire teeth at iba pang produktong patok tuwing Halloween.

Kinumpira ni Roy Alvarez, EcoWaste Coalition President ang kanilang chemical analysis na nagtataglay ng mga mapanganib na kemikal partikular ang cadmium, lead at mercury sa Haloween products na kinagigiliwan ng mga bata tuwing ganitong okasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply