Namugot ng 7 katao sa Sulu arestado

DAKIP ang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ilalim ng grupo ni  Commander Albader Parad at responsable sa pamumugot sa pito katao sa Sulu ng  pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya kagabi, sa ulat ng PNP Public  Information Office ngayon.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, kasalukuyang  isinasailalim na sa tactical interrogation ang nadakip na si Adzhar Patta  Mawalil, alyas Ajang Nedz Mawalil.

Si Mawalil ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Sulu,  Presidential Anti-Organize Crime Task Force at PNP seaborne at mga tauhan ng  Philippine Navy Intelligence and Security Group sa Sitio Martinez, Brgy. San  Raymundo, Jolo, Sulu.

Ayon sa PNP, si Mawalil ay miyembro ng grupo ni Albader Parad na itinuturong  responsable sa pagpatay at pamumugot ng ulo ng pitong tauhan ng BJ Mill sa  Silangkan, Parang, Sulu at pagdukot sa tatlong miyembro ng International Committee on Red Cross (ICRC) dalawang taon na ang nakararaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply