Namumuhunang minero nangangamba sa NPA

MATAPOS lusubin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang minahan sa Surigao del Norte ay hihigpitan na ngayon ang seguridad ng lahat ng mga minahan sa bansa, ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa.

Ang NPA ang armadong puwersa na isa sa mga  kinakausap ngayon ng gobyerno para maipatupad ang tunay na kapayapaan sa bansa.

Kaliwa’t kanan kasing binatikos ang pagsasaayos ng usaping pangkapayapaan dahil lumalabas na kuwestiyonable ang sinseridad ng CPP-NPA sa pagkakamit ng kapayapaan sa bansa.

Ayon sa Kalihim, nauunawaan ng gobyerno ang pagkabahala ng mga namumuhunan sa minahan lalo na ang mga Japanese at Australian mining investor sa operasyon ng minahan sa bansa kaya agad na isinasagawa ng mga kinauukulang ahensiya ang pagtatasa sa banta at kagyat ding isasagawa ang mga kinakailangang hakbang  na irerekomenda ng Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police.

Kamakailan lamang, makikita ang pagnanais ng gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino na matiyak ang malaking kita ng mga kompanya sa industriya ng pagmimina.

Ayon kay Ochoa, ninanais na mag-aplay ang miners ng compliance status sa Extractive Industry Transparency Initiative (EITI).

PANAY-PANAY ANG TONG-COLLECTION

Moro-moro ang ginagawang ‘all out war’ sa lahat ng  mga iligal na pasugalan sa Laguna pero patuloy naman na nag-ooperate  ang bookies ng lotteng nina Ronel at Tata Bert.

Samantala, patuloy rin ang loteng ni Dante Alvares sa Sta. Rosa, Calamba at Los Baños. Hindi pa kasama riyan ang lotteng naman ni Jolems sa Los Baños, Bay at Pagsanjan.

Grabe na ang operasyon ng sugalan rito.

Ano ba ‘yan?!?

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email  juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply