Nanay ni Kuya Boy paborito si Erik Santos

LAST Saturday, October 1, bago ilabas sa ospital ang pinakamamahal na nanay ni kuya Boy Abunda, ibinahagi nito ang kuwento na bago i-check-out sa nasabing pagamutan ang ina, ang tumutugtog na kanta ay galing sa album ni Erik Santos. May bonding pala ang nanay ni kuya Boy at si Erik dahil minsan ay dumadalaw ang singer para pasayahin ang nanay ni Kuya Boy.

Dahil sa nadatnang eksena, ang malamang sa pagpapatulog ng kaniyang mahal sa buhay ay boses ni Erik ang pampatulog nito, nabagbag ang  damdamin ni kuya Boy.

Nauna pa rito’y nagkapatawaran na ang manager at talent noong kasagsagan pa ng bagyong Pedring no’ng puntahan ni Erik ang kanyang dating manedyer.

But all’s well na sa dalawa. Nagkaunawaan na sa sila sa kanilang maemosyong pag-uusap. May klinaro at may itinuwid  sa pag-uusap na yon.

Ang tanging sakit lang sa naging hiwalayan ng dalawa ay ang paghahanap pa ng panahon ni Erik.

Diumano’y nakukulangan siya sa panahong ipinagkakaloob sa kanya ng Backroom.

Aminado naman si kuya Boy na hindi siya perpektong tao. At dahil sa naging bisi sa kaniyang commitments kung saan nasabay pa na nagkaroon ng karamdaman ang mahal nitong nanay, hindi talaga napunuan ang hinahanap na “kulang ” ni Erik.

Thank God, naplantsa na ang kanilang di pagkakaunawaan.

Kahit papaano’y pitong taon din ang pinagsamahan nila as manager at talent at nakapanghihinayang kung tutuusin.

In the future, kung halimbawabg bumalik si Erik sa kaniyang poder at magpamanage ulit?

“Oo naman,” sagot ng butihing manager at King of Talk shows.

***
Derek Ramsay, after the  success of No Other Woman is torn between Kapamilya and Kapatid. Ayon sa aming source, totoo pala na inooperan ng TV5 si Derek ng presyong “irresistible” na gaya nu’ng kay Aga Muhlach kaya napa-ober da bakod bigla sa TV5 ang aktor.

P10-M daw ang ibabayad kay Derek ng TV5 sakaling pumirma ito ng kontrata.

Kasama na sa said contract ang mga shows na gagawin nito at kung saang programa ng Kapatid siya ipapasok.

Kung  pelikula naman daw ang gagawin nito sa TV5, di hamak na apat na beses ang  taas ng kaniyang talent fee kumpara sa Star Cinema.

“Halimbawa’y P1-M ang bayad sa kaniya ng Star Cinema per movie, gagawing times four (or P4-M ) ito ng TV5.” sey ng aming source.

At sino ba namang  tao in his or her  right senses ang tatanggi sa ganitong kalaking kayamanan?

Yun nga lang, kung maprinsipiyo ang taong involved sa nasabing deal, baka mas pahalagahan nito ang palabra de honor na binitawan sa rating bossing.

After all, buena-familia naman sina Derek at hindi na kailangang pasilaw pa ito sa ganong offer.

***

Mukhang unti-unti nang nagkakalasa ang noontime show na Happy,Yipee,Yehey!
Kung dati’y di pa matimpla kung ano ang kakagatin ng madlang pipol sa mga isinasalang na game segments, ngayo’y mukhang nakuha na ang tamang ingredients.

Bumebenta sa mga kalalakihan ang My Girl dahil sa naggagandahan nilang contestants. Maging ang Tanging Hinga-Mo ay inaabangan dahil kung P30,000 ang napanalunan ng isang contestant, pipili ng 30 sa audience at bawat isa’y mag-uuwi ng P1,000.

Kaya nga lubos ang pasasalamat ng staff ng HYY dahil sa rami ng kanilang sponsors  at sa patuloy pang pag-angat ng ratings nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply