Napagkamalang gatas: Lola tepok sa powdered soap

NASAWI Patay ang isang lola makaraang makainom ng isang powder na sabon na napagkamalang gatas sa Brgy. Blis, Enrile, Cagayan.

Nabatid na nagkataong mag-isa ang biktimang si Sufing Dangani, 88, sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente kung saan nagtungo ito sa kanilang kusina para magtimpla ng kaniyang iinuming gatas nang makita ang isang sachet ng powder na sabon na inakalang gatas.

Matapos ito, sumakit ang tiyan ng biktima ilang oras makaraang inumin ang tinimplang isang brand ng sabon kasunod ng pagsugod sa kanya sa People’s General Hospital sa lungsod ng Tuguegarao subalit binawain ito ng buhay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply