Natupad na pangarap

UNA sa lahat ay binabati ko ang pamunuan ng National Press Club sa pangunguna ni Pangulong Jerry Yap at ni AFIMA President at dating Pangulong Benny Antiporda.

Obligado akong batiin sila sapagkat pinatunayan nila na totoo ang kasabihan na “you can not put good men down”.

Sa kabila kasi nang mga batikos at kung ano-anong mga bintang na ipinupukol sa kanila ay patuloy nilang pinatutunayan na sinsero sila sa hangarin na ayusin ang kalagayan at kabuhayan ng mga mamamahayag na kasapi ng NPC.

Kapansin-pansin na hindi tumitigil ang kasalukuyang pamunuan ng NPC sa pag-iisip ng mga proyekto na nakalaan upang tulungan ang mga miyembro na paunlarin hindi lang ang kanilang sarili kundi pati na din ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Naging matagumpay ang PLM-NPC Off Cam-pus program na kung saan ay naka-graduate na ang unang batch sa kursong Public Admi-nistration at kasalukuyan namang binubuno ng 2nd batch ang parehas ding kurso.

Maliban sa pagbibigay ng pagkakataon sa edukasyon ay natuloy na rin sa wakas ang groundbreaking noong Sabado na matagal nang pangarap ng NPC leadership na housing project para sa mga kasapi.

Medyo makahulugan at madamdamin ang mga binitawang salita ni Benny A. nang isagawa ang groundbreaking ceremonies sa project site sa Brgy. Tibag, Pulilan, Bulacan na kung saan ay ibinulalas niya ang kanyang sama ng loob sa ilang tao na sa palagay niya ay patuloy na sumisira sa liderato at sa kanyang pangalan hinggil sa housing project na ito.

Naging mas matingkad ang okasyon sapagkat dinaluhan ito ni Presidential Sister Ballsy Aquino-Cruz na sa kabila nang kanyang busy schedule ay hindi nagdalawang isip na pa-unlakan ang paanyaya ng NPC para dumalo sa napakahalagang araw na ito. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply