Sinunog na bangkay ng PLM professor nakita na

ISASAILALIM sa DNA test ang nakitang sunog na bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang bangkay ng nawawalang professor ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at may-ari ng pre-school na nawawala, tatlong araw na ang nakararaan.

Ito ay upang matiyak kung ang nasabing bangkay ay sa biktimang si Reynaldo Aquilar, 67, na una nang kinilala sa nakuhang “quantum pendant” na kapareha umano sa pendant ng nawawalang biktima.

Sa ngayon ay wala pang konkretong ebidensya ng pagkakilanlan sa biktima kaya isasailalim ito sa DNA test.

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng isang barangay chairman  na kinilalang si Rodolfo Gogola sa Barangay Isigon, Matnog, Sorsogon, na siya namang nag-report sa Sorsogon Police.

Samantala, sinabi naman ni P/Supt. James Afalla, station commander ng Manila Police District-Police Station 3, na nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping with frustrated homicide sa Catarman ang itinurong suspek na si Aurelio Esideria, nakalalaya pa, inginusong dumukot kay Aguilar, Tony Austria, 65, caretaker ng ASL at sa 10-anyos na si Jessie James Marcella.

Si Jessie James ay napag-alamang nakauwi na sa kanilang magulang sa Sta. Cruz, Maynila na unang natagpuan sa pangangalaga ni Fr. Julio Gaddi, ng St. Peter and Paul Cathedral sa Calbayog City, na iniwan sa pari ng isang hindi nagpakilalang lalaki na nagpanggap na ama ng bata.

Habang si Austria ay nakaratay pa sa Catarman Hospital sa Samar dahil sa tinamong saksak sa leeg.

Naniniwala naman si Afalla na may iba pang kasabwat si Esideria sa pagdukot at pagkasugat ni Austria.

Narekober na rin ang sasakyang Ford Focus (ZEF-884), na pag-aari ni Aguilar at kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Region 8.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pulisya sa pag-eestablisa sa motibo ng pagdukot at pagkawala ni Aguilar at dalawa pang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply