NBA humihinga pa!

HUMIHINGA pa rin ang National Basketball Association (NBA) dahil sa marathon negotiations na isinagawa sa pagitan ng owners at players.

Hindi man naayos ang bagong labor agreement ay nangako ang magkabilang panig na aayusin nila ito sa mga susunod na araw.

Ayon naman kay NBA commissioner David Stern, wala pang napaplantsa na usapan ngunit
tatapusin umano nila ito.

“There are no guarantees that we’re going to get it done,” anang NBA commissioner. “But we’re going to give it one heck of a shot tomorrow.”

Makaraan ang 15 oras na usapan, nadagdagan ng walo pang oras ang negosasyon.

Gayunman, ang halos apat na buwan nang bangayan ay hindi pa rin natutuldukan.

Subalit naniniwala pa rin si Stern na maaayos ito sa mga susunod pang araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply