NBA lalong namemeligro

LALONG namemeligrong hindi matuloy ang NBA games sa susunod na buwan dahil sa pagkakaburo ng marathon talks sa pagitan ng players at owners.

Makakansela ang mga itinakdang games dahil ang matagal nang labor dispute ay hindi pa rin naaayos at walang senyales na nagkakaroon ito ng progreso.

Ayon kay NBA Deputy Commissioner Adam Silver, sa pinakahuling usapan ay wala pa ring naisasarang deal kaya masasakripisyo na ang mga laro.

“Ultimately, we were unable to bridge the gap that separates the two parties,” wika ni Silver. “We understand the ramifications of where we are. We’re saddened on behalf of the game.”

Si NBA Commissioner David Stern ay hindi nakadalo sa meeting kanina matapos magkaroon ng flu ngunit nakikita ng mga kritiko na maaaring kanselahin nito ang iba pang games sa NBA.

Ang pagsisimula ng season ay ililipat na sana ng Nov. 1 ngunit dahil walang napagkasunduan sa kabila ng pagkakaroon ng federal mediator ay malabo  nang matuloy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply