NBA stars dadagsa sa Pacquiao-Marquez fight

PINAPLANTSA na ang panonood ng NBA superstars sa laban nina WBO welterweight champion Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 13.

Sinasabing sina LA Lakers superstar Kobe Bryant, Miami Heat stars LeBron James at Dwyane Wade, reigning MVP Derrick Rose at Amar’e Stoudemire ang posibleng kabilang sa mga pupuno sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sina Bryant, James at Rose ay kabilang sa gagawing NBA World Tour kung saan ang unang laro ay isasagawa kasabay ng trilogy fight ni Pacquiao at Marquez.

Ilan sa mga lugar na pagdadausan ng global basketball tour ay ang San Juan, Puerto Rico; O2 Arena sa London; Macau, China at Melbourne, Australia.

Samantala, sa mga susunod na araw ay nakatakda namang dumalaw si lightweight champion Juan Manuel Marquez sa kanyang specialist.

Layon nito na ma-evaluate ang kasalukuyang timbang ni Marquez, physical condition at kung ano pa ang dapat gawin sa isinasagawang training sa Mexico.

Kung maalala, naging mabagal ang kilos ni El Dinamita noong huling laban niya sa welterweight kontra kay Floyd Mayweather Jr.

Aniya, ayaw na nilang maulit pa ang nangyaring ito kaya’t kumuha sila ng eksperto na hahalili sa rigid training ni Marquez.

Ang Pacquiao-Marquez fight ay gagawin sa November 13 sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply