Final Four ng NCAA men’s basketball kumpleto na

TINANGHAL na Top 4 teams sa 87th NCAA men’s basketball ang San Sebastian (16-1), San Beda (15-2), Letran (14-4) at last entry na Jose Rizal (9-9).

Nakapasok ang Vergel Meneses-coached Heavy Bombers matapos pasaluduhin ang Emilio Aguinaldo Generals sa huli nilang laro sa pagtatapos ng second elimination round sa score na 99-77 sa The Arena, San Juan City kahapon (Oktubre 10)

Hindi naging madali sa mga player ng Mandaluyong-based college team ang panalo na kinailangang maghabol sila ng 10 puntos sa pagsasara ng first half na sinundan ng pagsasabon ni Meneses sa dugout sa breaktime.

Nagsimulang ganahan sa 3rd canto ang Heavy Bombers tungo sa pagsasara sa 62-56 na abante bago simulant ang final quarter. Tangan ng Stags at Red Lions ang twice-to-beat bonus sa simula ng round-of-4 kasunod ng banggaan ng dalawang top team sa pagsasara ng kanilang duwelo sa elimination phase bukas ng hapon (Oktubre 12) sa The Arena venue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply