Nega ang naging dating ni Cristine

MAY mga tao palang nabuwisit kay Cristine Reyes nitong nakaraang Linggo lang na mag-guest siya sa “The Buzz” para magpasalamat sa mga tao na dumagsa sa mga sinehan para manood ng “No Other Woman.” Ang dating daw kasi ng pasasalamat ni Cristine ay siya ang pangunahing dahilan– kundi man natatanging dahilan– kung bakit rumagasa ang madla sa pelikula nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay. May mga tao kasi na ang feeling ay mas si Anne ang dahilan kung bakit pati sa mga sinehang pang -AB market (halimbawa’y ang Rockwell at ang Podium) ay dumagsa ang manonood.

Pero tiyak na ikakatwiran ng fans ni Cristine na may crowd-drawing power na rin ang idolo nila at ang ebidensya nito ay ang patuloy na laging mataas na rating ng Reputasyon kung saan si Cristine ang pangunahing bituing babae. In fact, halos palaging nauungusan ng Reputasyon sa ratings ang Amaya ni Marian Rivera.

Of course, wala namang duda na may kontribusyon si Cristine sa tagumpay sa takilya ng No Other Woman. Dapat lang ay maging maagap siya sa pag-a-acknowledge sa co-lead stars n’ya sa pelikula para hindi siya kinabubwisitan na inaako n’ya para sa sarili lang n’ya ang tagumpay ng pelikula.

Parang ibang klase talaga ang power ng No Other Woman. Inabot ito ng bagyong “Pedring” pero naging box office hit pa rin. Mukhang ang nangyari ay yung mga di nakasakay at nakauwi agad dahil sa ulan, nanood na lang muna ng No Other Woman, kaya nakadagdag sila sa kita ng pelikula.

Swerte rin ng direktor ng No Other Woman na si Ruel Bayani at yung dalawang bading na scriptwriters ng pelikula, dahil malamang na agad silang magkaka-project uli sa Star Cinema. Actually, pwedeng sabihing ang tagumpay ng No Other Woman ay tagumpay ng mga bading. Bukod sa bading na direktor at dalawang bading na scriptwriter, may tatlo o apat din na mga bading na aktor sa cast ng pelikula–at malamang na mga bading din ang roles nila sa pelikula (na hindi pa namin napapanood, kaya hindi namin alam kung ano ang roles nila). Malaking pagbubunyi para sa mga bading na ang isang box office hit na pelikula tungkol sa love and sex life ng mga heterosexual ay mga bading ang nagsulat, nagdirek at nilahukan ng mga bading na karakter.

Siguradong pati sina Boy Abunda at Vice Ganda ay masaya para sa tagumpay sa takilya ng gay creative output na No Other Woman. Malamang ay masaya rin si Direk Wen Deramas sa tagumpay ng  No Other Woman, dahil mga kapatid sa pederasyon ang may gawa nito– kahit na dagdag na pressure para sa kanya at para kina Vice at Derek ang tagumpay sa takilya ng No Other Woman.

Ang Praybeyt Benjamin nina Vice at Derek, na pinamahalaan ni Direk Wen, ang susunod na release ng Star Cinema. Sa October 26 na ito nakatakdang magsimulang ipalabas sa buong bansa. At kung mataong maulan sa unang linggong palabas ito, sana ay maging blessing yon para sa pelikula. Kung di makauwi agad ang mga tao dahil sa ulan, sana ay manood na lang muna sila ng Praybeyt Benjamin. Siyempre pa, dahil si Vice ang bida sa pelikula, kwento ng kabadingan ang Praybeyt Benjamin. Maging isa na naman kayang gay victory ang pelikulang nagtatampok din kina Eddie Garcia, Carlos Agassi, DJ Durano, Keann Cipriano, Vandolph Quizon at Jimi Santos?

***

IPINAPALABAS na rin pala sa Pilipinas ang The Kitchen Musical, ang TV series na ginawa nina Christian Bautista at Karylle sa Singapore (na ang producer ay mga Singaporean din).Umere na ang pilot episode nito noong Sunday sa Sun Day’s Best ng Dos pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Simula naman sa October 8, mapapanood ito tuwing Sabado, 7:30p.m. sa Studio 23. Ingles ang dialog sa serye, kaya sa English network ng ABS-CBN ito ipalalabas. By that time, nakabalik na sa Pilipinas sina Christian at Karylle. Kailangang maging very visible na uli rito sa ating bansa si Karylle para di siya matabunan bilang singer ng half-sister n’yang si Zia (na anak ni Zsa Zsa Padilla kay Dolphy). Ngayon pa lang ay may mga nagsasabi na mas exciting na panoorin at pakinggan si Zia kesa kay Karylle.

Dahil musical ang The Kitchen Musical, may dance numbers sa serye sina Karylle at Christian. May dalawa o tatlo pang Filipino sa cast ng show. May British din at Singaporeans. Malamang ay marami ring Malaysians at Indians, dahil may malaking populasyon ng Malaysians at Indians sa Singapore.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply