Negosyante, drayber dinukot sa Lanao del Norte

ISANG negosyanteng Muslim kasama ang drayber nito ang ini-report na dinukot ng mga armadong kalalakihan kahapon (Oktubre 3) sa lalawigan ng Lanao Del Norte, sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Farida Adilao, negosyante, isang Maranao at Mokamad Mimbanta, taga-Iligan City.

Sakay umano ang dalawa ng harangin ng mga aramdong kalalakihan sa may bayan ng Baloi, Lanao del Norte.

Nabatid sa impormasyong ibinahagi ni Lanao del Norte provincial police director P/SrSupt. Orlando Binas na agad silang nagsagawa pursuit operation kung saan narekober nila ang abandonadong sasakyan ng mga biktima.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP-10 spokesman C/Insp. Regina Abanales na kasalukuyan pa rin nilang sinisiyasat ang kaso upang madetermina kung talagang dinukot ang mga biktima.

Ayon kay Abanales, agad ipinag-utos ni PNP regional Dir. C/Supt Jufel Adriatico na magsagawa ng mga checkpoint papasok at palabas ng hilagang Mindanao upang matugis agad ang mga “kidnap for ransom group” na naghahasik ng kaguluhan sa rehiyon.

Napag-alaman na noong Setyembre, dinukot rin ang negosyanteng si Manny Boniao sa siyudad kung saan hiningian ito ng hindi matukoy na halaga ng ransom money ng kanyang mga kidnapper bago pinalaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply