Negosyanteng mag-asawa hinoldap: 1 patay, 1 kritikal

HINOLDAP ang mag-asawang negosyante habang naglalakad malapit sa kanilang bahay na ikinamatay ng isa habang nasa kritikal na kondisyon ang isa, sa lungsod ng Butuan bandang 7:30 ng gabi ng Biyernes, ika-21 ng Oktubre.

Ang mga biktima ay ang mag-asawang sina Lucio at Margie Cator, residente ng Reveche St., Emelia Compound, Butuan City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, namatay si Margie dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan samantalang si Lucio naman ay may tama rin sa katawan at nasa kritikal na kondisyon sa isang pribadong hospital sa lugar.

Hinablot umano ng dalawang hindi nakilalang suspek na lulan ng isang motorsiklo ang bag ng biktima na naglalaman ng kita sa palengke kung kaya’t nakipagbuno umano si Margie.

Dahil sa pangyayari ay binaril umano ng tatlong beses ang babae.
Binaril din umano si Lucio habang ito’y nagsisigaw at humihingi na tulong.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng kalibre .45 na pinaniniwalaang nagmula sa baril na ginamit ng mga suspek.

Sa kasalukuyan, wala pang nakukuhang lead ang pulisya sa mga kriminal na nangholdap sa mag-asawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply