Negosyanteng Tsinoy binistay ng bala, utas

TODAS ang isang negosyanteng Chinese-Filipino matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang salarin Sabado ng gabi, Octobre 22 sa Malabon City

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre 45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Joseph Tancanco Yu, 60, ng 35 Simon St., Brgy., Acacia, nasabing lungsod.

Ayon sa ulat,  dakong  9:15 ng gabi, sakay ang biktima kasama ang live-in partner nitong si Kay Olid 39 sa kanyang sasakyan Chevrolet Captiva (MGT 27) nang lumapit ang suspek at walang salitang sunod-sunod na pinutukan si Tancanco.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin  sakay sa get-away motosiklo.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pamamasalagng habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply