Negosyanteng Tsinoy utas sa riding-in-tandem

TODAS ang isang negosyanteng Tsinoy matapos na barilin ng riding-in-tandem habang pasakay sa kanyang motorsiklo patungo sa paglalaro ng basketball sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Sr Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang biktima na si Luis Ang, may-asawa, may-ari ng Louiemar Hardware sa 1324 Torres Bugaliion St., Tondo, Maynila sanhi ng dalawang tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang ulo na tumagos sa dibdib.

Tumakas naman ang mga salarin lulan ng isang Kawasaki Badja.

Sa report ni PO2 Alonzo Layugan, dakong 8:30 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa harapan ng hardware-bahay  ng biktima.

Nabatid na kalalabas lamang umano ng bahay ang biktima at patungo ito sa isang basketball court sa Paraiso St.,Tayuman upang maglaro ng basketball kasama ang ilan niyang kamag-anak nang lapitan siya ng isa sa suspek at binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Nang bumgasak ang biktima, naglakad naman ang suspek patungo sa kasamahang nag-aabang at pinasibad papalayo ang sinakyang motorsiklo.

Isang Marvin Mendoza, tricycle driver, na naghihintay ng pasahero ang nakarinig ng putok kaya inusyoso nito ang pinanggalingan ng putok at nakita ang biktima na duguang nakahandusay dahilan upang isakay niya ito sa kanyang tricycle at isinugod sa Chinese General Hospital ngunit namatay din ito habang ginagamot.

Ayon sa ilang saksi, napansin na umano ang aali-aligid sa lugar ang riding-in-tandem bago naganap ang insidente.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpatay at patuloy ang isinasagwang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply