Nilayasan ng mag-ina, mister nagbigti

NANGINGITIM na nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nilayasan umano ng kanyang mag-ina sa San Fernado, La Union, sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang biktima ay kinilalang si Raffy Rivera, 36, ng Barangay Cadaclan, San Fernando ng nasabing lalawigan.

Sinasabing naburyong ang lalaki matapos na layasan siya ng kanyang mag-ina kaya ito nagpatiwakal sa mismong tahanan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng San Fernando PNP, nadatnan na lamang umano ng mga kaanak ni Rivera na nakabitin ang biktima sa loob ng kanyang bahay.

Nylon cord ang ginamit ng biktima na itinali sa kanyang leeg at isinabit sa bubungan ng bahay para magpatiwakal.

Nabatid ng pulisya sa mga kaanak ng biktima na apat na buwan na umano itong inabandona ng kaniyang asawa at anak kaya ito ang hinihinalang pangunahing dahilan ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply