Nissan Commonwealth 3.0

QUEZON CITY, PHILIPPINES — Gaya ng Nissan Teana, Grand Livina, X-Trail CVT at ng iba pang mga bagong modelo ng mga sasakyang inilabas ng Nissan Motors Philippines Inc., ngayong taong ito, isang world-class na Nissan showroom ang inihahandog ng NMPI sa kanilang mga kustomer sa dakong Norte.

Sumailalim sa isang upgrade ang Nissan Commonwealth branch na matatagpuan sa tinaguriang ECO-Zone ng Commonwealth Avenue. Sa loob ng Nissan complex na nakatayo sa isang hektarya ng lupain, ay matatagpuan ang showroom na may sukat na 14,000 sq. meters, at ang kanilang pinagmamalaking service/work bays na kayang magserbisyo sa 50 sasakyan sa isang araw.

Ang “expansion” project na ito ay simbolo ng isang “renewed” partnership sa pagitan ng NMPI at Nissan Commonwealth. Ayon sa CEO at Presidente ng NMPI na si G. Allen Chen, malaki ang ginagampanang tungkulin ng Nissan Commonwealth sa pag-angat ng pamantayan ng kanilang sales at after-sales service (customer service) sa lumalaki nilang dealership network sa bansa.

Dagdag rin ng CEO ng Nissan Commonwealth na si G. Amando San Juan, isang pagkakataon rin ito upang mas mabigyan pa nila ng kaukulang pansin at oportunidad ang kanilang mga kustomer dito sa Maynila na naghahangad ng isang world-class na serbisyo mula sa Nissan.

Ang Nissan Commonwealth ang pinakamalaking dealership branch sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply