No. 1 most wanted sa Maynila, natiklo

NALAMBAT na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Manila Police District (MPD) ang number one most wanted na kriminal sa lungsod ng Maynila kahapon (Oktubre 27).

Kinilala ni CIDG-MPD Chief Inspector Magno Manuel ang nadakip na si Ronald Roque, 23.

Ang suspek ay  naaresto habang nagtatago sa  kanyang bahay sa Onyx Street, San Andres Bukid, Manila.

Nasabat si Roque sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng Manila Regional Trial Court Branch 33 para sa kasong pagpatay kay Gerald Entena noong Oktubre 30 dahil sa alitan ng kanilang gang.

Ayon kay Manuel, kasama ring inaresto ang isang lalaking menor de edad na kasabwat ni Roque.

Nakakulong ngayon ang suspek sa punong himpilan ng MPD habang patuloy na tinutugis ang ilan pa nitong kasabwat sa krimen na sina Nicorenzo Barruelo, Christopher Bolitic, at Jessie Boy Angeles. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply