No. 1 sasakmalin ng Red Lions

MAHALAGA sa San Beda College Red Lions ang kanilang huling laro kahit sukbit na nila ang twice-to-beat incentive sa Final Four ng 87th NCAA seniors basketball competition.

Makakaharap ng Red Lions bukas ng 4 ng hapon, Oktubre 12 ang kasalukuyang No. 1 sa team standings na San Sebastian College Stags.

“All out kami against San Sebastian because we want to maintain our No.1, palagi kasi kaming nasa top pagkatapos ng eliminations.” wika ni SBC coach Frankie Lim.

Tangan ng Red Lions ang 15-2 win-loss slate habang 16-1 ang record ng Stags.

Makakapuwersa ng playoff para sa top spot ang SBC kung sakaling magwawagi sa SSC na gaganapin sa The Arena San Juan.

Ayon pa kay Lim, simula pa nakaraang Linggo ay nag-eensayo na sila upang panghandaan ang laban nila sa Stags.

Samantala, pasok sa top four ang Letran Knights, (14-4) na nasa third spot at Jose Rizal University Heavy Bombers, (9-9) na nasa pang-apat na
puwesto.

Naipanalo ng Heavy Bombers ang kanilang huling laro laban sa Emilio Aguinaldo College Generals, 90-77 kahapon.

Kailangan munang tapusin ang laban ng SBC at SSC upang malaman kung sino ang maghaharap sa semifinals crossover.

Sumalo naman ang guest team Lyceum of the Philippines University Pirates sa Mapua Cardinals sa fifth to sixth place matapos manalo ang una sa College of Saint Benilde, 94-89 sa second game kahapon.

Parehong may 7-11 panalo-talo ang Pirates at Cardinals.

Sa juniors, kinaldag ng Letran Squires (14-4) ang Staglets (8-9), 85-65; ang Brigadiers (12-6) ay binigwasan ang Light Bombers (5-13), 74-60; habang ang CSB La Salle-Greenhills Junior Blazers (13-5) ay binaon Lyceum Junior Pirates, 118-45.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply