No Sudan, no problem para sa SBC

MARAMI kaming ginawang adjustment sa pagkawala ni Sudan (Daniel).”

ITO ang ibinunyag ni San Beda College Red Lions coach Frankie Lim matapos magkampeon ang kanyang koponan noong Miyerkules (Oktubre 26) sa 87th season NCAA senior men’s basketball tournament na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi nakahugot ng lakas si season coach of the year Lim kay 2010 MVP at 6-foot-7 American na si Daniel sa buong season dahil sa natamong ACL injury noong pre-season.

Dahil sa binitawang salita ni Lim sa kanyang mga bataan ay naging inspirasyon nila ito upang makuha ang back-to-back title ng talunin nila ang mahigpit na katunggaling San Sebastian College Stags, 57-55, sa Game 2.

“Sabi ko sa kanila wala na si Sudan kaya kayo-kayo na lang ito, mahirap pero kakayanin basta we stick together,” wika ni Lim.

Hindi na pinaporma ng Red Lions ang Stag sa kanilang best-of-three championship series dahil winalis na ito ng una.

Naging magandang paalam na rin ang kampeonato para sa mga graduating players na sina Finals MVP Dave Marcelo, Jess Villahermosa, Daniel at Garvo Lanete ang maaasahang player of the season.

Samantala, si Calvin Abueva ng Stags ang tinanghal na MVP at nakasama niya sa mythical team sina, Ian Sangalang, (SSC), Garvo Lanete, (SBC), Kevin Alas at Raymond Almazan ng Letran Knights.

Si Sangalang ang league’s Best Defensive Player at si Almazan ang Most Improved Player habang tinanghal na Rookie of the Year si Joshue Nimes ng Mapua Cardinals. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply