No wang-wang, ok bang bang sa matuwid na daan

UMAKSYON agad si PNP Maritime Command Director, Gen. Don Montenegro laban sa lantarang dynamite fishing sa Manila Bay.

Inatasan ni Gen. Montenegro si Maritime NCR chief Col. Olay na pabantayan kay Special Reaction Unit chief, Col. Salibo ang nangyayaring putukan d’yan sa baybayin  ng Parañaque.

Para bang wala na kasing kinatatakutan ang mga iligalistang mamumutok sa pangingisda. Siguro naman, sa utos ni Gen. Montenegro ay malalaman na natin kung totoo ngang may kinalaman sa putukan ang SRU ni Col. Salibo na may TANGGAPan d’yan sa Dongalo, Parañaque.

LEGAL SA TUWID NA DAAN

Matuwid na daan na ang ipinagmamalaki ni PNoy na ipinatutupad sa kanyang pamahalaan. Kaya lahat naman ng nakapaligid sa kanya ay sumusunod naman.

Gaya ng “wang-wang” na isang kumpas n’ya lang ay tumahimik naman sa lansangan.

Sagot ng ULTIMATUM=== VERY GOOD!!!

DOUBLE STANDARD ANG BATAS

Naaksidente ang isang sasakyan na may plakang “6 OPA” na pag-aari ni Office of Presidential Adviser Rolando Llamas.

Bukod sa mga gagong nakasakay rito kaya naaksidente ay kitang kita ang mga baril at bala na nilalaman ng kanyang Mitsubishi Montero.

Lisensiyado naman daw ang mga baril sa pangalan ni Sec. Llamas kaya wala naman daw iligal.

Aba’y… Ginawa na namang tanga sa batas ang sambayanang Filipino. Hindi ba’t nasa abroad si Sec. Llamas?

Bakit mga tauhan n’ya ang may dala ng mga armas? Hindi ba’t malinaw na nakasaad sa permit to carry na non-transferable ito?

Dahil ba sa nasa poder sila ngayon kaya “legal” na ang kahit na anong gawin nila? Hindi ba’t illegal possession of firearms na ang nangyari r’yan dahil wala naman mismo ang nagmamay-ari ng baril na lisensiyado?

Yan ba ang matuwid na daan?

PRIVATE ARMY NI LLAMAS

Puro sibilyan ang nahuling sakay sa 6 OPA ni Sec. Llamas. AK-47 lang naman ang baril na nakuha rito na alam naman nating karamihan ay gamit ng mga komunistang gerilya.

SIBILYAN? Bakit hindi man lang pulis o otoridad ang may dala ng armas ni Llamas?

Pagpapatunay lang ba na may private army rin ito?

Nag-request na raw sila ng police escort sa PNP no-ong Setyembre dahil nagkaroon na raw ng banta sa kanyang buhay. Pero nasaan?

Huwag mong sabihing ganoon kainutil ang PNP para hindi ura-urada ay mapadalhan ka kahit na pulis patola?

SAGOT NI CONG. CASIÑO

Sa napapansin ni Cong. Teddy Casino sa nangyayaring sitwasyon sinabi nito na… Nakabibilib na sa isang iglap ay nakayang ipatigil ang pagiging abusado ng mga gumagamit ng wang-wang sa lansangan.

Pero mukhang mas OK daw kay Pangulong Noynoy ang “Bang-Bang” kaya parang pilit pang pinagtatakpan ng Malakanyang ang pagiging abusado ng kanyang mga tauhan.

Kaya NO TO WANG-WANG, YES TO BANG -BANG na raw ang sitwasyon natin sa bansa.

BAGO MANGYARI ANG BANGGAAN

Ilang araw bago mabangga ang 6 OPA na sasakyan ni Sec. Llamas ay namataan ng isang reporter ang sasakyang ito sa panulukan ng Gilmore at Santolan sa San Juan.

Kung hindi naman ba talaga abusado ang mga ito, nag-counter flow ito sa kabilang kalye na agad namang nakasalubong ang buhos ng mga sasakyan.

Isinampa raw ng gagong drayber ang 6 OPA sa center island kung saan ay halos tumaob ito. Suwerte naman at mukhang may sa demonyo ang may dala kaya nakalusot naman daw ito sa ginawang kagaguhan.

ANAK NI LLAMAS

Totoo kaya ang sumbong ng ating uzi na ang madalas mamataan na may dala ng sasakyang ito ay ang anak na “lasieng” ni Sec. Llamas?

Totoo rin ba ang sumbong na ang tunay na sumalpok at may dala ng mga baril at bala ay ang anak din ng butihing secretary?

Nagtatanong lang po?

Pero ang alam ko, dalawang babae lang ang anak ni Mr. Secretary. Kaya hindi naniniwala ang ULTIMATUM na anak ni Sec. Llamas ang nagmamaneho ng 6 OPA nang maaksidente ito.

Maliban lang kung may itinatago si Mr. Secretary. He-he-he-he!

PUNYEMAS NA BUHAY ‘TO, OO!

uzi text
Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

REAKSYON SA RUBBER BOAT

(Kamakailan, tinanong natin ang ating mga UZI kung tama ang hindi paggamit ni Gen. Nick Bartolome sa mga may kasong rubber boat bilang pansagip sa mga binabaha pero kinontra siya ni Manong Johnny Enrile. Heto ang ilang sagot)

HINDI PABOR

Good am sir, para sakin, useless din po ang paggamit ng rubber boats. Kasi hindi po match ang makina rito. Baka maabswelto pa sa kaso ang mga sangkot diyan. Dapat kunin na lang ng gobyerno ang yaman ng mga corrupt at yun na lang ang gamitin nilang pambili ng mga maaring gamitin sa pag-rescue sa mga kababayan nating sobrang napinsala ng mga nagdaang bagyo at tiyak na sobra sobra pa yun. +63930290

OK KAY ENRILE

Gud am, sir. Sana po ini-sip ni Nick Bartolome na hindi siya abogado samantalang si Manong Johnny ay isang magaling na abogado na may alam sa dapat gawin lalo na po sa oras ng kalamidad at maraming buhay ang maililigtas. Salamat po! +63919491

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply