Nomer hinuhulaang magtatagumpay sa Protege

NAKATUTUWANG kausap ang Protege finalist na si Nomer (Nomer L. Limatog Jr).  Sa edad niya kasing 10 taon ay kinatatakutan na siya bilang kalaban ng mga finalist sa reality singing contest ng GMA na mapapanood daily at tuwing Sunday ang pinaka-performance day nila para maipakita ang kanilang naitatagong talents.

Bukod sa may boses na mala-Arnel Pineda ang taginting, matalino rin si Nomer dahil pumapasok siya sa special science class sa Talomban Elementary School sa Cebu City. Regular Grade V student siya ngayon.

Kapag kausap mo siya, matatas siyang magtagalog. Kuwento ni Nomer ay bawal magsalita ng Bisaya kapag klase nila’y Pilipino subject. Gayundin sa iba pang social science class nila.

Ani Nomer:”Consistent honor student po ako, nu’ng Grade IV ako ay 4th place ako sa klase.”

Paborito niyang singer si Arnel Pineda. Kumakanta siya ng ballad, rock at slow rock. Paborito niyang song ay Stand Up For Love.

Bukod sa pambihira ang kanyang boses, nagkaroon din siya ng formal lessons sa pagkanta. Pinasok siya ng kanyang mga magulang sa Center for Pop sa Cebu.

Kasama niya sa Manila ang kanyang ama’t ina na umaalalay sa kanya. Namunukod tanging siya lang ang contestant na puwedeng sama-samahan ng parents. Bata pa kasi siya.

000

Mikael Daez bagong pagsubok sa career na makaka-trianggulo na nina Dingdong at Rhian

PINUTOL agad ang character ni Mikael Daez sa “Amaya” dahil may bagong assignment siya sa GMA-7, siya ang makaka-trianggulo nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa bagong soap na “Sundo.”

Masaya si Mikael dahil binigbigyan siya ng importansiya ng GMA-7 bilang contract star nila. Malalaking roles ang ibinibigay sa kanya na kaya naman niya kahit baguhan. May pruweba kasi ito sa Amaya at sa pelikulang Temptation Island.

Excited siya sa kanyang pag-aartista kaya naman pinagbubuti niya nang husto. Actually, di naman niya hilig talaga ang pag-arte. Pero nang na-discover siya sa commercials at sumailalim sa workshop, dito na siya nagka-interest.

Ngayong October ang simula ng taping ng Sundo. Maaaring ipalit ito sa “Time of My Life.”

000

BALIK-GMA 7 si Eddie Garcia pagkatapos na gumawa ng soap opera sa TV5 na magkakasunod, ang “Babaeng Hampaslupa” at “The Sisters.”

Nang nakausap namin si Eddie, nasabi niyang freelancer siya at walang offer ang TV5 sa kanya kaya nasa GMA-7 na siya ngayon bilang espesyal na panauhin sa “Iglot.”

Ani Eddie: “Magalang akong nagpaalam sa GMA-7 nang gumawa ako sa TV5, gayundin ang ginawa ko sa TV5 na nagpaalam din sa kanila. Kaming mga veteran star ay wala nang pinipiling roles. Basta trabaho, okay agad. Basta malaman namin ang role at ang budget. Minsan nga di na pinag-uusapan ang budget! Alam na nila ang rate ko.!”

Gagampanan niya ang papel ni Mang Celso, isang ex-convict na nais magbagong buhay matapos makulong nang mahabang panahon.

Mangungumpisal siya kay Father Ruben (Romnick Sarmenta) at laking gulat niya nang bigla na lamang tumayo at lumabas ng confession room ang pari.

Bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Father Ruben nang marinig ang kwento ni Mang Celso? Makahingi pa kaya ng tawad si Mang Celso para sa kaniyang mga kasalanan? Magkita kaya sila ni Iglot?

000

HUMANGA kami sa performance ng Sakto nung last Sunday Star awards For Music nang magkaroon silang production number na sing and dance. Dahil mga bata pa ang grupo, kaya very energetic silang nagperform.

Wagi sa kategoryang Best Group Recording Artists sa 3rd Star Awards for Music ang Sakto boys na sina Rodjun Cruz, Lucky Mercado at Edgar Allan Guzman. Ginanap ang awarding sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University noong Linggo at tinalo ng Sakto ang mga grupong Cueshe, Parokya Ni Edgar, Siakol, Frio, Mayonnaise at 3AM.
Kasama sa pinasalamatan ng grupo sina Jay Durias, DJ Myke at DJ James pati na ang Sony Music na malaki ang itinulong ng grupo.

Active din ang mga Sakto members na sina Rodjun, Lucky at Edgar sa Hey, It’s Sabedey ng TV5 at sa kani-kanilang mga shows. Si Rodjun ay katatapos lamang ng “Bangis” at naka-pagtape na para sa kanyang cameo appearance bilang young Christopher de Leon sa “Sa Ngalan Ng Ina.” Si Lucky naman ay makakasama sa isang bagong reality game show to be shot in Malaysia – ang The Bigggest Show. May espesyal ding role si Lucky sa isang episode ng Pidol’s Wonderland, samantalang si Edgar naman ay patuloy pa ring umaani ng magagandang reviews sa pagganap niya bilang anak ng Superstar – Nora Aunor sa
Sa Ngalan Ng Ina. Nakapagsimula na rin siya sa shooting ng pelikulang pagsasamahn nina John Lloyd Cruz at Angel Loscin under Direk Cathy Garcia-Molina for Star Cinema.

Nakapag-tape na rin si Edgar ng special “Regal Shockers” episode with Alex Gonzaga and very soon, sisimulan na niya ang isa sa kanyang filmfest entries na “Shake, Rattle & Roll 13” entitled Lunod with Ms. Eugene Domingo.

Sa October 29, makakasama ang Sakto boys sa concert ni Ai-Ai delas Alas sa Zirkoh Tomas Morato. Pino-promote ng Sakto ang kanilang version ng Christmas bonus, originally sung by Aegis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply