‘Non-organic’ na tao sa Customs sinibak ni Biazon

TINANGGAL na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga tinatawag na “non-organic” na mga tauhan ng ahensya bunsod ng pinakahuling reporma na pinatutupad nito at pagtapyas sa kumakapal na byurokrasya.

Ipinahayag ni Biazon na ang reform program ng Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng kanyang pamumuno ay naglalayong gawing mas professional at mas episyente ang mga proseso rito sa pamamagitan ng pagtapal sa mga butas nito.

Nag-isyu si Biazon ng memorandum na nag-aatas sa pag-tatanggal ng mga posisyon na may kaparehang gawain at yaong mga “non-organic” na mga tauhan.

Kailangan umanong malinawan ang mga responsabilidad at pananagutan ng lahat ng tauhan ng BOC upang maiwasan ang kalituhan na sinasamantala ng mga ismagler, ayon pa kay Biazon.

Magsasagawa umano ng head count sa ahensya kasama ang mga tauhang nasa ilalim ng kontraktuwal na kapasidad sa hanay ng BOC. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply