Non-performing schools dapat ipasara – Angara

IMINUNGKAHI ni Senador Edgardo Angara sa Commission on Higher Education (Ched) na itigil na ang pag-bibigay ng lisensya para sa private schools at ipasara ang mga non-performing school sa bansa.

Ipinaliwanag ni Angara kay Ched chairperson Patricia Licuanan na hindi nakabase sa paramihan ng mga paaralan ang kalidad ng edukasyon para makapag-operate.

Binigyan-diin ni Angara na ang kailangan ngayon ay dagdagan ng gobyerno ang suporta sa tertiary education at repasuhin ang curriculum.

Tinukoy ni Angara ang Pilipinas bilang kulelat sa 10 bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations pagdating sa paglalaan ng pondo para sa edukasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply