Nora Aunor nagbigay ng sakit ng ulo noon sa Kapamilya Network

KAPAG tama ang opinyon, aba’y dapat nating respetuhin ito. Pero kapag mali naman like itong ginagawang pag-iingay ng mga avid and loyal Noranian’s sa boycott campaign nila againts ABS-CBN dahil, nakikisimpatiya sila sa kanilang iniidolong Superstar sa naging pahayag nito na ayaw nang magtrabaho pa sa Kapamilya Network. Talaga lang ha? Hindi ba’t nasulat sa mga tabloid na bago pa tinanggap ni Ate Guy ang napaka-tempting na offer sa kanya ng TV5 ay ang ABS-CBN muna ang kinausap nila.

Alam kasi ni Nora na maganda ang magiging comeback niya kapag dito siya gumawa ng programa dahil mapanonood siya sa Amerika at iba pang bansa, unlike sa Kapatid network na kahit sa Bicol lang ay baka hindi pa siya mapanood ng kanyang mga kababayan at mga tagahanga roon.

Besides, ano’ng karapatan ninyong mga Noranians na magtampo at magalit sa Kapamilya eh noong sadsad ang career ni Ate Guy, ang Dos ang sumalo sa kanya via “Bituin” with Carol Banawa na nagkamit ng mataas na ratings?

Kaya lang, baka hindi kayo aware pa na sa kabila ng tagumpay noon ng Bituin ay may mga problema itong kinaharap sa likod ng kamera. I should know dahil may alam kami ni BFFT Pete A. sa kuwentong ito na matagal na ipina-off the record sa amin. Pero, dahil nang-uurat itong mga Nora fanatic aba’y dapat na naming sabihin ang “truth and nothing, but the truth!”

May mga insidente noon na taping day ni Ate Guy ay nasa Casino siya sa Tagaytay. Ang ending kailangan pa siyang pakiusapan ng matalik niyang amiga na si Mana’y Celia Rodriguez na kasama niya sa teleserye para magtaping na. kaso, mo may utang siya sa casino na dapat pang bayaran.

Hayun, para matapos ang problema to the rescue kaagad ang Top executive ng Dos na mas may mataas ng katungkulan ngayon.

So, ‘yun nga, go kaagad ito sa Tagaytay para siya ang mag-settle ng utang ng Superstar.

Hay naku! Kaysa mag-react kayo diyan tumanaw na lang kayo ng utang na loob sa Kapamilya Network na bumuhay noon ng career ng artistang minamahal ninyo.

Panoorin n’yo rin ang mini-serye ni Ate Guy nang mag-rate naman ito, no? Loud and clear gyud!

***

The Buzz nag-iisang world-class showbiz talk show sa Phil. local TV

IBA talaga ang dating ng The Buzz compared sa iba pang mga showbiz programs. World-class kasi ang dating ng said show, na every Sunday from 4:30 to 6:30 p.m. ay talagang pinapanood ng mga kababayan natin dito sa Pinas at iba’t ibang bansa na subscribers ng TFC o The Filipino Channel.

Sa outfits pa lang ng mga hosts nito led by our one and only King of Talk Kuya Boy Abunda at ng three lovely and talented ladies na sina KC Concepcion, Charlene Gonzales at Toni Gonzaga na tipong fashion models ang dating, taob na ang ibang talk shows riyan lalung-lalo na ang Chakarazzi na super turn-off ang mga viewer kay Manang Cristy Fermin dahil sa pagka-lomod nito ay super baduy pang manamit.

At hindi lang ‘yan, di rin bitin ang mahigit 10 million viewers ng The Buzz dahil sa punung-puno ang show ng mga hot and controversial showbiz issues na rito lang ninyo sa kanila mapapanood.

Puro bigating celebrities rin ang kanilang mga live guests bawat episode at dito walang harang lahat ng mga intriga ay haharapin at sasagutin ng mga artista ganoon na rin ng mga hosts nito na madalas rin masangkot sa kung anu-ano’ng mga isyu! Makikita rin pala bukas ang sidelights ng naganap na matagumpay na Toni @10 Concert sa Big Dome ni Toni Gonzaga. Watch nyo ‘yan pagkatapos ng “Growing Up!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply