Notoryus na tulak itinumba

PARTNER in crime ang hinihinalang pumatay sa isang lalaking kilalang notoryus na tulak ng droga sa Pangasinan kagabi (Oktubre 21).

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din sa lugar ng krimen ang biktimang Michael Gil Garcia, 27.

Hindi muna ibinunyag ng pulisya ang pangalan ng suspek dahil baka makasira sa kanilang ikakasang pagtugis laban dito pero nagbigay sila ng ideya na onsehan sa droga ang sinisilip nilang motibo sa pagpatay kay Garcia

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Rosales PNP, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa Barangay Zone 5 Rosales, Pangasinan.

Bago ito, nabatid na nakatayo ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang suspek sa harapan nito at saka ito pinagbabaril bago tumakas sa hindi malamang direksyon.

Naniniwala ang pulisya na kaya pinatay ang biktima ng kanyang kasamahan ay dahil sa onsehan sa napagbentahan ng droga.

Sinabi rin ng pulisya na bukod sa kilalang drug pusher, si Gacia ay sangkot din sa serye ng holdapan sa Rosales.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng .45 caliber pistol.  Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply