November 7 idineklarang regular holiday

OPISYAL na ideneklara ng Palasyo ngayon na regular holiday sa Lunes, November 7 upang gunitain ang pagtatapos ng Eid al-Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim sa buong mundo.

Ito’y matapos na lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation 276 na nagsasaad na regular holiday sa Nobyembre 7.

Ang Eid al-Adha ay magsisimula sa sunset ng November 6 (2011) at magtatapos sa sunset ng November 7 (2011).

Nakasaad rin sa naturang proklamasyon na batay sa Republic Act No. 9849, ang Eid al-Adha ay kailangang ipagdiwang bilang regular holiday.

Ang Eid al-Adha ay isa sa dalawang kapistahan ng Islam.

Ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang nagrekomenda kay Pangulong Aquino na payagang gunitain ng mga kapatid na Muslim ang Eid al-Adha sa Nobyembre 7 habang ang Eid al-Adha prayer naman ay sa Nobyembre 6.

Layunin din ng nasabing proklamasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayang Muslim na malaya at maayos na maipagdiwang ang nasabing okasyon.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply