NPA nanunog ng mga heavy equipment

HINIHINALANG mga miyembro ng New People’s Army ang may kagagawan umano sa panununog ng isang backhoe, isang crane, bulldozer at dalawang dump trucks sa Negros Oriental kaninang madaling-araw, Oktubre 15.

Sinalakay umano ng mga rebelde ang isang construction site sa barangay Malaga, Bindoy at Bala-as sa bayan ng Manjuyod, Negros Oriental bandang 12:30 ng madaling araw.

Ayon sa operator ng crane na si Dionisio Alunay Emperado, 65 taong gulang, natutulog umano siya sa loob ng crane nang gisingin siya nang tatlong armadong kalalakihan at pilit na pinababa dahil mayroon itong inilagay na maliit ng box sa loob.

Nakarinig umano siya ng pagsabog at sinundan pa ito ng tatlong pagsabog. Nagising naman umano ang iba pa niyang kasamahan at pinagbabato ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo. Subalit nagpaputok umano ito ng mga warning shots.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng kalibre .45 at 9mm.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga heavy equipment ay sa LL Construction Co. na pagmamay-ari ni Mayor Lawrence Limkaichong ng bayan ng La Libertad at asawa ni Rep. Jocelyn Limkaichong.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply