NPA sumalakay: 2 sundalo sugatan

SINALAKAY ng mga hinihilang miyembro ng New People’s Army ang isang patrol base ng militar sa lalawigan ng Misamis Oriental gabi ng Lunes, ika-24 ng Oktubre na ikinasugat ng dalawang sundalo.

Ayon kay Maj. Eugene Osias, spokesman ng 4th Infantry Division, limang mga NPA ang sinasabing nagpaulan ng bala sa kanilang detachment sa Barangay Alipwaton sa bayan ng Salay, Misamis Oriental bandang alas siyete ng gabi.

Sugatan ang isang sundalong kinilalang si M/Sgt. Acierto at isang CAFGU.

Sinabi pa ni Maj. Osias na ang mga suspek ay kabilang sa Guerilla Front 4B ng rebeldeng grupo.

Nagsagawa umano ng follow-up operation ang militar sa lugar para tugisin ang mga may kagagawan ng pag-atake.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply