NPA, tinawag na political terrorists

TINAWAG ng Army ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na political terrorists na nananabotahe ng kapayapaan matapos ang pag-atake sa tatlong mining firms sa Surigao del Norte.

Ayon kay Army Spokesman, Lt. Col. Antonio Parlade, ang naturang pag-atake ay kumpirmasyon sa nauna nilang pahayag na hindi kontrolado ng liderato ng CPP-NDF ang mga lokal na terorista.

Muli itong nanawagan sa komunidad na iwasan ang pagbibigay suporta sa mga rebelde upang matigil na ang pananabotahe sa kapayapaan at kaunlaran.

Nitong Lunes, nasa 200 rebelde ang sumalakay sa Taganito Mining Company, Nickel Asia Corporation At Platinum Metal Corporation sa Claver, Surigao Del Norte at sinunog ang mga heavy equipment na aabot sa P3 bilyon ang halaga.

Naglunsad na ng counter offensive operations ang AFP at PNP laban sa mga rebelde.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply