NPA vs Militar: 1 patay, 2 sugatan

ISANG miyembro ng hinihinalang mga New People’s Army ang namatay samantalang dalawang militar naman ang nasugatan matapos maka-engkwentro ang mga ito sa Upper New Visayas, bayan ng Trento sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Ayon sa 4th ID Philippine Army spokesman na si Major Eugene Osias-Ang, tumagal ang bakbakan ng halos 20 minuto.

Narekober ng militar ang isang M-16 at garand rifle at isang landmine. Pinangunahan ang grupo ng militar ni Col. Danilo Vinavides.

Tumugon lang umano ang militar sa isang inpormasyon na may mga armadong kalalakihan sa lugar, dagdag pa ni Maj. Osias-ang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply