NPA vs militar: 1 rebelde patay, sundalo sugatan sa N. Cotabato

NAPATAY ang isang hinihinalang rebelde ng isang habang isang Army junior officer naman ang sugatan sa sugapaan ng mga miyembro ng New People’s Army at military sa North Cotabato, umaga ng Huwebes, Oktbure 20.

Nabatid na bandang alas- 5:45 a.m. nang maganap ang insidente habang nagpapatrolya ang 10th Special Forces Company nang makaengkuwentro nila ang hindi pa malamang bilang na mga miyembro ng NPA sa Sitio Upper Lumbo, Cabalantian, Arakan.

Maliban sa bangkay ng rebelde, nahuli rin ang isa nitong kasamahan at narekober naman ang matataas na kalibre ng baril.

Samantala, dinala naman ang sugatang sundalo sa hospital upang malapatan ng karampatang lunas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply